Shabu sa halagang P6.4B Paano Nailusot?

Aalamin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kung papaano nakapasok sa bansa ang may 604 kilo ng shabu na nagkakaha­laga ng P6.4 bilyon sa gitna ng idineklarang giyera ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga.
Ito ang kapwa isinusulong nina House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers at Valenzuela City Rep. Weslie Gatchalian sa hiwalay na resolusyong inihain sa Kamara para alamin kung bakit nakalusot ang naturang droga na umano’y dumaan sa express lane ng Bureau of Customs (BOC).
Ang tinutukoy nina Barbers at Gatchalian ay ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng BOC Intelligence and Investigation Service, National Bureau of Investigation Anti-Organized Transnational Crime Division at Philippine Drug Enforcement Agency nang salakayin ang isang warehouse sa Paso de Blas sa Valenzuela City noong Mayo 26. 

No comments

Powered by Blogger.