Pangulong Duterte susuyuin ang Senado
Naka-iskedyul na sa Hulyo 17 ang pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasapi ng majority coalition ng Senado para sa mungkahing i-extend ang martial law sa Mindanao na mapapaso sa Hulyo 22.
Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, posibleng ligawan at kumbinsihin umano sila na suportahan ang pagpapalawig sa batas militar.
Ang orihinal na agenda lang ng miting ay ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang mga priority measures ng Kongreso, pero ayon kay Pimentel, kapag kaharap na nila ang Pangulo ay lahat ng isyu ay maaari nilang pag-usapan
"No holds barred naman kami palagi,”ayon sa pangulo ng Senado.
Hindi pa kumbinsido si Pimentel sa extension ng martial law dahil kailangan pa aniyang makuha ang report ng militar at defense officials hinggil sa resulta ng operasyon ng gobyerno laban sa teroristang Maute Group sa Marawi.
Nasa 17 senador ang kasapi ng majority bloc ng Senado kung saan lahat sila ay bumoto sa resolusyon para suportahan ang idineklarang 60-day martial law sa Mindanao noong Mayo 23.
Leave a Comment