Pangulong Duterte Tiniyak ang Hustisya sa Bulacan Massacre
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na makakamit ang hustisya sa Bulacan massacre na ikinasawi ng limang katao.
“There will be justice. How? They said one has been killed. If that’s the case, there will be many more to come,” pahayag ni Duterte ngayong Lunes.
Bumisita ang pangulo sa burol ng mga biktima sa San Jose del Monte at binantaan ang mga suspek na madadakip kahit saan pa sila magtago.
Isa sa mga suspek na si Ronald Pacinos ay natagpuang patay malapit sa isang subdivision ng bayan ng San Jose del Monte.
“These killers, I understand one was found dead today… this is an organization, a loose organization of criminal syndicates…. And I will repeat my warning, I told everybody since the beginning if you destroy my country I will kill you. If you destroy the young of this country, it happened here…I will kill you,” patuloy ni Duterte.
Sinabi pa ng pangulo na dapat ay maresolba kaagad ng mga pulis ang kaso sa lalong madaling panahon.
Hawak na ng mga awtoridad si Carmelino Ibañes na umaming nakapatay sa mga biktima. Aniya lasing at sabog sila sa ipinagbabawal na droga nang magawa ang krimen.
Sa kabila nito ay nagnegatibo naman sa drug test si Ibañes.

Leave a Comment