Nabisto sa NAIA Human trafficking
Bureau of Immigration (BI) Nabuking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagpapalusot ng mga sindikato ng human traffickers, dalawang illegal chinese nationals matapos maharang ito ay ginamit ang manila bilang jump-off point papuntang United Kingdom.
Ayon sa BI Commissioner Jaime Morente, ang nasabing mga pasahero ay sina Lin Chen Hui, 29 at Chen Huajuan, 27 ay hinarang mula sa Terminal 2 ng NAIA ng mga tauhan ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) at ito ay habang pasakay sila sa Philippine Airlines flight papuntang London.
“They earlier arrived as transit passengers from Dubai and were already at the boarding gate when the BI officers were alerted by airline personnel on their attempted departure,” ayon sa BI.
Ang nasabing insidente ang nag-udyok kay Morente na iutos ang masusing imbestigasyon sa kaso, kasama na ang posibleng pagkakasangkot ng mga tauhan ng paliparan sa nabigong operasyon ng human trafficking.
Habang ang mga Chinese nationals ay kasalukuyan pa ring nasa holding facility ng airport at nakabinbin ang resulta ng imbestigasyon.
Leave a Comment