Bayan ng Marawi City Hirap mabawi ng AFP
ZAMBOANGA CITY – Hirap pa rin ang militar na mabawi ang Marawi City mula sa lokal na ISIS na kinabibilangan ng iba’t ibang jihadist group.
Problemado umano ang mga sundalo dahil sa mga hawak na bihag ng teroristang grupo sa pangunguna ng Maute terror group.
Walang eksaktong bilang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ilan ang hawak na bihag ng mga terorista, pero may ulat na nasa 240 ang kasama ni Fr. Chito Suganob na hawak ng mga terorista.
Nakatutok din ang AFP sa ulat na ginagamit ng ISIS sa kanilang mga bihag bilang combatant, looter at human shield.
Ikinuwento umano ito ng nakatakas na bihag kung saan sinabing pinuwersa silang makipaglaban sa militar at pinapatay ang mga sumasalungat sa utos ng mga terorista.
Hiwa-hiwalay rin umano silang hawak ng mga kalaban at dinadala sila sa iba’t ibang lugar.
Halos magdadalawang buwan na ang sagupaan sa Marawi City.
Leave a Comment